malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


KOYOU HOKEN Basic Benefit Application Flow (Step by Step Guide) Part 1

Aug. 31, 2017 (Thu), 1,621 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Kung kayo ay valid member ng KOYOU HOKEN (Unemployment Insurance) dito sa Japan at meron contribution sa system na ito for a valid period of time, then nawalan ng work pansamantalang tinanggal man kayo o nag-resign kayo, this is the step by step procedure kung paano kayo makakapag-apply ng basic benefit sa HELLOWORK OFFICE.


This is only a summary para maging reference ninyo. Maaari kayong magtanong sa HELLOWORK OFFICE para sa details at kung kayo ay valid na makakatanggap ng basic benefit o hindi. Sundin ang steps na ito at ihanda ang kinakailangang documents bago kayo huminto sa work upang maging madali ang processing.


STEP 1: Check your Membership Certificate
Kung valid member kayo ng KOYOU HOKEN, meron binigay sa inyo na 雇用保険被保険者証 (KOYOU HOKEN HIHOKENSYASYOU) Membership Certificate sa unang pagbayad nyo ng contribution. Check ninyo kung meron kayong hawak nito dahil ito ang main document na need nyo sa pag-apply ng benefit. Kung wala o nawala ninyo ito, humingi kayo ng panibago sa employer or company ninyo bago kayo mag-resign.


STEP 2: Check the necessary documents for your resignation
Bago kayo mag-resign, check ninyo sa company ninyo kung paano ninyo makukuha ang kailangang documents na nagpapatunay na kayo ay natanggal sa work or nag-resign. Ang mga documents na ito ay 雇用保険被保険者資格喪失届 (KOYOU HOKEN HIHOKENSYA SHIKAKU SOUSHITSU TODOKE) Certificate of Losing Koyou Hoken Membership at 離職証明書 (RISYOKU SYOUMEISYO) Certificate of Unemployment. Confirm also kung ano ang magiging reason sa pagkaalis nyo sa work.


STEP 3: Confirm how you can get the necessay documents from company
Ang mga documents na inyong kukunin mula sa company ay kadalasan nyo lang makukuha kapag umalis o nag-resign na kayo. Confirm nyo ito sa inyong employer or company bago dumating ang inyong final day on your work.


STEP 4: Get the necessary documents
After na mag-resign kayo, its time na kunin nyo sa company ang mga documents na kakailanganin ninyo sa pag-apply sa HELLOWORK. Make sure na makuha nyo ito agad upang makapag-apply rin kayo agad ng benefit sa HELLOWORK OFFICE.


This is the first part of the guide which is mostly on the preparation side. Kailangan nyong gawin ito para makuha ninyo ang mga kakaailanganing documents. Next part is the actual application sa KOYOU HOKEN ng basic benefits ninyo.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.