malago logo    Home    About Us    Forum    News

Portal Top


Mga pagbabago sa Labor Law here in Japan, starting April 1

Apr. 04, 2019 (Thu), 509 views


For your documents translation, contact us here in MALAGO.



Siguro ay narinig na ng iba sa inyo sa mga news sa tv at nabasa sa mga online news ang tungkol sa ilang pagbabago sa labor law here in Japan na nag-umpisang gawin na nitong month of April.


Para sa kaalaman ng lahat, ang pagbabagong isinagawa ay ang tungkol sa pagbibigay ng limit sa OVERTIME WORK at ang pag-avail ng WORK LEAVE ng mga employee. Isinagawa ng Japan government ito bilang countermeasure nila sa dumaraming incident tungkol sa karoushi (death due to overwork) here in Japan, at magkaroon ng balance sa work at private life ang mga manggagawa.

First, sa OVERTIME work, isinabatas nila ang pagkakaroon ng limit dito na 45 HOURS lamang every month, or 360 HOURS in 1 YEAR only. Kung meron valid reason, hindi pwedeng umabot ito ng more than 100 HOURS a month or 720 HOURS a year dahil meron penalty na nakalaan na para sa mga company na hindi susunod dito.

Sa WORK LEAVE naman, kinakailangan na pagamitin ng company ang mga employee nila ng at least 5 DAYS para sa mga employee nila na meron more than 10 DAYS na WORK LEAVE every year. Magiging mandatory na pagamitin nila ng work leave ang kanilang mga employee. Meron ding pataw na penalty sa mga company na hindi susunod dito.

Ang bagong law na ito ay isasagawa nila muna sa mga malalaking company or OOTE GAISYA na tinatawag nila in Japanese. Then starting next year 2020, meron ding isasagawang pagbabago sa mga small and medium scale company ayon sa news.



BC, MC, Cenomar, Red Ribbon, etc. application in PSA/DFA, click here.


Have problem creating your SPA, Authorization Letter, Affidavit, etc. click here.


Need application form for visa application & other legal documents, click here.